Saturday, August 23, 2008

...SHORT STORY...

Beep... Beep... Beep...

Tunog ng cellphone ko habang umiiyak at di makapaniwala sa nangyari. “Totoo ba ito?”, tanong ko sa aking sarili.


Noon pa man, pingarap ko na ang makakita ng taong totoo. Nang dumating si James. Siya ang bumuo sa lalaki ng aking imahinasyon. Matipuno ang pangangatawan, matangkad, matalino, at higit sa lahat, totoo!


Di nagalaon, nahulog ang loob namin sa isa't-isa. Niligawan niya ako ng halos 5 buwan. Napasagot lang niya ako sa isang pambihirang okasyon. Natupad niya ang dreamdate ko. Ang pinangarap ko ng napakatagal na panahon.


Lumipas ang mga araw, mas lalong sumasaya ang aminh pagsasama. Ngunit isang araw, isang pag-uusap nag di ko makakalimutan. “Paano kung bukas mawala ako sa piling mo, matatanggap mo ba ito?”, seryosong tanong niya na sinagot ko naman ng walang patumpik-tumpik, “Ha? Oo naman noh? Nakakaya ko ngang di tayo magkita, so makakaya ko ring mawala ka”. Tumawa lamang siya at hinalikan ako sa noo. Pero sa likod ng mga katagang binitawan ko, alam ko sa aking sarili na hindi ko makakayanang mawala siya sa buhay ko. Siya na hinintay ko sa tagal ng pahanon. Ang pag-ibig na pinangarap ko buhay buhay ko.


Beep... Beep... Beep...

Ng biglang tumunog ang cellphone ko bandang alas tres kinaumagahan. Si James, siya ang nagpadala ng text message. Napaluha na lamang ako ng mabasa ko ang kanyang pinadala. “Babe, hindi ko malilimutan ang unang araw na nagkakilala tayo. Noong araw na yun, nabago ang buhay ko. Hindi ko alam kung paano at bakit, basta isa lang ang alam ko, noong araw na yun, natutunan na kitang mahalin, at hanggang kailan ikaw lang ang aking mamahalin. I Love You, Babe. Ingat ka na lang lagi!”. Sa ilang beses kong inulit-ulit basahin ang mensahe, sumagi din sa isip ko ang pagtataka. Bakit kaya? Maluha-luha pa akong nag-reply sa kanya, pero sa likod ng ngiti, may pag-aalala pa rin.


Pagsikat pa lang ng umaga, puno na ang mga cellphone ko ng mga text messages mula sa mga malalapit na kaibigan. Takang-taka ako kung bakit ganito na lang kadami ang tumatawag. Isang tawag ulit ang aking natanggap. At pagkatapos ng tawag na iyon, isang malaking katahimikan ang bumalot sa kwarto ko. At unti-unti ng pumapatak ang mga luhang nagtatago sa likod ng aking mga mata.


Beep... Beep... Beep...

at hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa puso ko ang pangakong binitawan ni James. Isang pangakong dadalhin ko hanggang sa aming muling pagkikita................................sa kabilang mundo!

No comments: