Tuesday, August 19, 2008

...kAbALuktUtAn...

  1. Pagkahaba-haba man ng prusisyon…iyak lang ng iyak ang ring bearer at flower girl.

  2. Ang taong nagigipit…sa mga talipapa namimitik!

  3. Kung pukulin ka ng bato…aba, mag-sapakan na kayo.

  4. Mahuli man at magaling…kwatro, singko, incomplete o drop pa rin.

  5. Matalino man ang matsing…favorite pa rin niya ang saging.

  6. Ako ang nag-saing…naging tutong ang kanin.

  7. May tainga ang lupa…puno kaya ito ng luga?

  8. Kung ano ang itinanim…siguradong babagyuhin.

  9. Aanhin pa ang damo…kung may rugby naman sa bahay niyo.

  10. Kapag may isinuksok…mag-ingat sa mandurukot.

  11. Sakit ng kalingkingan…naku wala akong paki-alam.

  12. Ang bayaning nasusugatan…mamamatay rin yan.

  13. Ang taong walang kibo…hindi pa nag-linis ng pustiso.

  14. Ang buhay ay parang gulong…pero walang buhay kung walang talong.

  15. Madali ang maging tao…marami dito, nabubuo sa Sogo

  16. Ang maniwala sa sabi-sabi…ay tsismosa sa tabi-tabi

  17. Sa mata ng bata…may naninigas na muta.

  18. Magbiro ka na sa lasing…baka ilibre ka pa niya ng ulam at kanin.

  19. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, may stiff neck kumbaga.

  20. Mahuli man at magaling, huli pa rin.

  21. Better LATE than PREGNANT

  22. Pag may tiyaga... goodluck!

  23. Aanhin mo pa ang damo, kabayo ka ba?

  24. Ang batang masipag, paglaki katulong

  25. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay lumaki sa ibang bansa

  26. Ang taong nagigipit.. sa bumbay kumakapit

  27. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika.. sanggol pa lang

  28. Kung maiksi ang kumot... ..twalya yata yan p're!

  29. If ders a weLL , derz a water

  30. di bale ng tamad 'wag lang pagod.

No comments: