Ang pagkakaibigang ito ay kakaiba,
sa isang laro lang nag-umpisa,
pampalipas oras lang sana,
para ang pagkabagot ay mawala.
Tayo'y mag-umpisa sa nagpasimuna,
matangkad at may pagka morena,
pero sa katarayan nito, maghinay-hinay ka,
dahil baka matunaw ka lang sa hiya.
dapat ang lahat sa kanya ay nakatingin,
lahat ng babaeng kaibigan ay may katawagan,
pero may balita, may anak siyang inaalagaan?
Humanda sa matang nanlilisik,
kahit ang sukat nitoy maliit,
minsan maingay, minsan tahimik,
pero kahit payat, mga chix ay naaakit!
Ang pag-iling sa kanya ay di uso,
minsan nasasabihang, “badeng ako!”,
takot sa babaeng mainitin ang ulo,
pero sa iba pa rin nahulog ang puso!
Ako'y nabigla sa kanyang pagababago,
mas dumaldal at naging palabiro,
kahit siya sa grupo ang pinakamatanda,
patuloy pa rin nangunguna sa pag-iisip bata!
Di nako nagtaka sa kanyang pagkamasayahin,
laging nakangiti at kahit galit cute pa rin,
sa chismis ay laging nauuna,
at sa amin niya ibinabalita.
Biglang sumulpot ang di inaasahan,
ang aming bagong kaibigan,
mahilig sumayaw at magpatawa,
pero siya lang naman ang tumatawa.
Eto ang orihinal na bagong barkada,
pero teka may humahabol pa
tinaguriang Suma Cum Laude,
at sa biruan, di siya pahuhuli.
Diba nakakatuwa, biglang dumami ang tropa,
mga laro namiy paiba-iba, kahit maestro namiy nadamay pa,
pero wala pa ring tatalo sa unang laro,
kung saan nagsimula at kinuha ang pangalan ng grupo.
Kahit kami'y 4th year na,
lagi pa ring nag-iisip bata,
at kahit siguroy ako'y tumanda na,
ang aming laro, lagi ko pa ring maaalala!
Whew, the newest group in town. We call ourselves "The Killerers".
3 comments:
ahahahaha
gel pag sure ba wala ko baby ba. c lady ug kate ra man akong baby. baby doll nkoug baby koh.... ay sori ng move 0on nmn diay ko noh? c lady nlng di akong baby....
btaw..
tama c jaymar..
aq lng iya baby uie..
unreliable man imo poem..
murag network layer..
haha
irelate ba..
Post a Comment